Tumataas na kaso ng teenage pregnancy, stigma sa mental health, at mga kaso ng hiv, tinututukan ng pamahalaang lokal ng Pagbilao, Quezon

Binibigyang pansin ngayon ng lokal na pamahalaan ng Pagbilao, Quezon ang tumataas na kaso ng teenage pregnancy, stigma patungkol sa mental health, at mga kaso ng HIV sa nasabing bayan.

Kung saan isa ang Talipan National High School (TNHS) sa apat na paaralan sa lalawigan ng Quezon na napagkalooban ng proyektong Trustworthy-Engaging-Encouraging-Nurturing a place for adolescents, and Dignity (TEENdig).

Ang naturang proyekto ay nakaangkla sa pagbibigay prayoridad sa kalusugan at isyung kinahaharap ngayon ng mga kabataang Pagbilaowin.

Ito ay sa pangunguna ng Department of Health (DOH) katuwang ang Department of Education (DepEd) sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang lokal ng Pagbilao, Quezon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *