Tulong sa producers ng sibuyas, pinatitiyak ng isang kongresista

Hinimok ni AGRI Party-list Representative Wilbert Lee ang Department of Agriculture na suportahan ang mga producer ng sibuyas upang maiwasan ang pagtangkilik ng consumers sa mas murang ilegal na produkto online.

Reaksyon ito ni Lee sa napaulat na paglipana ng smuggled na sibuyas na ibinebenta online sa halagang 25 pesos kada kilo na nagresulta naman sa pagbagsak ng farmgate prices.

Ayon sa kongresista, hindi masisisi ang publiko na tumangkilik ng mas murang produkto na nabibili online kasama na ang sibuyas dahil na rin sa mataas na presyo ng mga bilihin kahit na kadalasan ay naisasantabi ang banta sa kalusugan.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Kawawa aniya ang mga magsasaka kapag hinayaang kumalat ang mga nagbebenta ng smuggled kaya dapat dagdagan ang suporta gaya ng on time na pagdating ng ayuda, access sa mas murang farm inputs kabilang ang fertilizers at dagdag na post-harvest facilities.

Paliwanag ni Lee, kapag natulungan ang local farmers sa mas murang production costs at mabilis na access sa merkado at consumers ay tataas ang kanilang kita at maeengganyo silang taasan ang produksyon.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Nanawagan naman si Lee sa Bureau of Customs na mahigpit na ipatupad ang mga hakbang laban sa pagpuslit ng smuggled na sibuyas at iba pang agricultural products sa bansa.

Gayundin sa Department of Trade and Industry na higpitan ang pagbabantay sa bentahan ng ilegal na produkto online.