2 nakumpiskang Bugatti Chiron sports car, pag-aari ng mga operator ng POGO

Parehong pag-aari ng mga operator ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ang dalawang Bugatti Chiron sports car na nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC).

Ayon ito sa kompirmasyon ni Senator Sherwin Gatchalian, na kinumpirma naman niya mismo sa mga POGO.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Kwinestiyon ng Senador ang kakayahang bumili ng isang owner at operator ng P170 million na sports car, ngunit hindi naman nagbabayad ng buwis.

Nagpapatunay lang aniya ito na ang mga nasa industriya ng POGO ay sangkot sa mga gawaing kriminal.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Sa ngayon, hinihintay pa ni Senator Gatchalian ang plenary discussion ng kanyang sinulat na chairman’s committee report, na nagrerekomenda ng total ban sa POGO.