Albay PHO, nilinaw na hindi food poisoning ang ilang sintomas na naranasan ng mga atleta sa Palarong Panlalawigan

LEGAZPI CITY – Nilinaw ng Albay Provincial Health Office (PHO) na hindi naman talaga dahil sa food poisoning ang mga sintomas na naranasan ng ilang mga manlalaro sa nagpapatuloy na Palarong Panlalawigan sa bayan ng Guinobatan.

Kasunod ito ng natanggap na report noong nakaraang Pebrero 22 na aabot sa 43 mga players mula sa Cluster 1 ang nakaranas ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at diarrhea.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay PHO head Dra. Estela Zenit, sinabi niya na matapos nilang matanggap ang report, agad niya itong pinakumpirma at inimbestigahan.

Aniya, ayon sa Rural Health Unit ng bayan, lima sa mga atleta ang nagpa-checkup at napag-alaman na ang isa sa mga ito’y nakaranas ng pananakit ng tiyan dahil sa gastritis habang may UTI naman ang isa.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Sa pagtatanung-tanong umano kasi nila sa mga players, nabanggit na ilan sa mga pagkaing sinerve sakanila katulad ng longganisa ay hilaw o hindi masyadong luto.

Sinabi pa ni Zenit, hindi pa masasabing food poisoning ang dahilan, subalit maaari namang humantong sa ganoon lalo na kung hindi kaagad nabigyan ng atensyon.

Samantala, sa ngayon ay kontrolado naman na ang sitwasyon at hindi na rin umano nadagdagan pa ang mga kaso.