VP Sara, ‘no show’ sa Kamara

Hindi sumipot si Vice President Sara Duterte sa ikalawang pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability hinggil sa mga isyung may kaugnayan sa budget ng OVP.

Sa liham na ipinadala ni Duterte kay Committee Chairman Joel Chua, iginiit nito na ang imbestigasyon ay ibinatay sa mga alegasyong wala umanong basehan.

Read More:  Palace slams VP Sara’s Marcos cha-cha claim as ‘fake news’

Ipinunto rin ng pangalawang pangulo na nalalabag ang karapatan, privacy at dignidad ng mga indibidwal na dumadalo sa inquiries in aid of legislation at ang rules of procedure ay hindi umaano umaayon sa Konstitusyon.

Bukod dito, ipinaliwanag ni VP Sara na malinaw na nakasaad sa probisyon ng Saligang Batas na dapat inirerespeto ang karapatan ng mga indibidwal na ipinatatawag sa pagdinig.

Read More:  Trillanes claims ICC Warrant issued against Bato

Samantala, binigyang-diin naman nito na hindi dapat tinatalakay sa Kamara ang mga isyung nakabinbin na sa Korte Suprema.

Nakikipag-ugnayan na umano ang OVP sa Commission on Audit alinsunod sa Rules of Procedure at ang audit process ay nagpapatuloy pa.