LEGAZPI CITY — Arestado ng mga otoridad ang isang lalaking tulak ng iligal na droga sa Purok 5, Brgy. 42 – Rawis, Legazpi City.
Kinilala itong si Jamil Bunso Almayda, 26 anyos, pedicab driver, walang asawa at residente rin ng nasabing lugar.
Ayon sa impormasyon, nadakip ang suspek sa isang drug buy-bust operation na ikinasa ng Legazpi PNP, sa pakikipagtulungan sa PDEA Bicol.
Pinagbentahan ng suspek ang poseur buyer ng isang pakete ng pinaniniwalaang shabu na may tinatayang timbang na 0.15 grams kapalit ng PHP500.
Nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nasa kustodiya na ito ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.