DA at DPWH Bicol, nagbigay ng asistensya sa mga evacuees sa Daraga, Albay

LEGAZPI CITY – Nagbigay ng asistensya ang Department of Agriculture (DA) at Department of Public Works and Highways (DPWH) Bicol para sa mga evacuees sa Daraga, Albay dahil sa pag-alburoto ng Bulkang Mayon.

Namahagi ang DA ng agricultural tools sa pamamagitan ng Municipal Agricultural Services Office (MASO) ng nabanggit na bayan.

Kabilang na rito ang 250 packets ng binhi ng mga gulay, 5 rolyo ng plastic mulch, 1 rolyo ng UV plastic film, 5 unit ng knapsack sprayer at 10 sako ng organic fertilizer.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Ang mga ito ay magsisilbing kagamitan ng mga evacuees sa pagbuo ng community garden sa evacuation centers.

Samantala, bilang bahagi ng ika-isang daan at dalawampu’t limang anibersaryo ng DPWH, ito ay namahagi naman ng relief goods sa mga inilikas.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Umabot sa 186 na pamilya ang napamahagian nito sa nasabing bayan.

Ilan sa mga kasama sa ibinigay ay limang kilo ng bigas, mga delata, gamot at hygiene kits.

Malaki naman ang pasasalamat ng lokal na pamahalaan ng Daraga sa mga ipinapaabot na asistensya ng iba’t ibang mga ahensya at kumpanya dahil malaking tulong ito para sa mga evacuees.