Trump kinumpirmang nag-uusap pa rin sila ni N. Korean leader Kim Jong-un

Kinumpirma ni dating US President Donald Trump na tuloy ang komunikasyon niya kay North Korean leader Kim Jong-un.

Bagamat hindi verified, lumalabas sa ilang report na tanging si Kim ang foreign leader na patuloy na nakakausap ni Trump.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Matatandaan na noong 2018, naging maayos ang pag-uusap nina Trump at Kim na nagsimula sa palitan ng sulit bagamat hindi nakabuo ng kasunduan na ma-denuclearise ang Korean peninsula.

Tinawag ding unusual ng ilan ang ugnayan nina Trump at Kim dahil sa isolation sa international community ng North Korea dahil sa nuclear at missile programme nito.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Samantala, sa pinakahuling report, kabilang umano ang pangalan ni Kim sa mga dokumentong nakuha sa 15 boxes mula sa property ni Trump na sinasabing dapat ay nasa National archives noon pang isang buwan