Travel ban sa mga Muslim countries, ipinangako ni Donald Trump pag nanalo ulit sa halalan

Ipinangako ni Former US President Donald Trump muling siyang magpapatupad ng kontrobersyal na travel ban na nagta-target sa mga bansang Muslim kung siya ay muling mahalal.

Ayon kay Trump sa taunang summit ng Republican Jewish Coalition, pananatilihin niya ang mga radikal na teroristang Islam sa labas ng Amerika.

Sa pagsisimula ng kanyang pagkapangulo noong 2017, ipinataw ni Trump ang malawakang paghihigpit sa pagpasok ng mga manlalakbay mula sa Iran, Libya, Somalia, Syria, Yemen, Iraq at Sudan.

Binawi naman ni President Joe Biden ang pagbabawal na ito, sa kanyang unang linggo sa panunungkulan noong 2021.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *