DA, puspusan sa target na P20 kilong bigas

Puspusan na ang Department of Agriculture (DA) para maabot ang pangakong P20 kada kilong bigas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ng DA Assistant Sec. for Operations Arnel De Mesa na ang kagawaran, lokal na pamahalaan at mga magsasaka ay natutulong-tulong para mapababa ang presyo ng bigas ng P20 hanggang P25 kada kilo.

Read More:  DepEd strengthens student counseling after Zamboanga school shooting

Ayon sa DA, kasalukuyang nagbebenta na ng bigas na P25 ang presyo kada kilo sa Bigasan ng Bayan sa Negros Occidental na sinuportahan ng Federation of Irrigators Association of Central Negros-Bago River Irrigation System (FIACN-BRIS).

Read More:  1Tahanan distributes metal detectors as Bantay Paaralan Act awaits passage

Nasa 10% ng produksyon ng FIACN-BRIS ay ibinibenta sa most vulnerable sector.