NAGA CITY- Dinagsa ng mga deboto ang Traslacion ng image ng Itim na Nazareno mula sa Holy Cross Parish sa Barangay Tabuco patungo sa Plaza Quezon ng Naga City kagabi Enero 8.
Mula sa simbahan sumama ang mga pananampalataya na walang piniling edad. Dala nila ang maliliit na image ng Poon. Lalo pang lumiwanag ang paligid sa kandila ang mga sumama sa prosisyon.
Marami rin ang nag-abang sa tabi ng kalsda, kabilang na ang mga naka wheel chair.
Sa mga nakausap ng BNFM karamihan sa hiling ng mga deboto ay matapos na ang pandemya at maayos na kalusugan ng pamilya.
Isa sa kanila ang vendor na si Maria Theresa Arroco ng Canaman , Camarines Sur mabigat man aniya ang buhay , gumagaan parin kahit papaano kapag malusog ang pamilya.
Si Amy Otordos naman ng Naga City matagal nang deboto, kahit na aniya senior citizen na siya ramdam niya ang lakas ng pangangatawan at naniniwala siyang ito ang bunga ng kaniyang matagal nang paniniwala sa mga himala ng Poon.
Mamaya ibabalik ang imahe ng Amang Nazareno sa nasabing simbahan. Inaasahang darami pa ang dadalo ngayong Araw ng Kafiestahan.