Ipinagpapatuloy ngayon ng Albay Provincial Health Office (PHO) ang pagbibigay ng mga bakuna at booster shots sa mga hindi pa nababakunahan sa lalawigan.
Ayon kay Dr. Estella Zenit, ang head ng nasabing tanggapan, anim na vaccination sites ang inilagay sa bawat Local Government Unit (LGU) at Public Safety Office (PSO) ngayong taon 2023.
Aniya, may mga priority groups na mababa pa rin ang percentage rate ng pagbakuna ng booster shots.
Dahil dito, ninanais ng ahensya na pataasin pa ang bakunahan sa bawat LGUs sa lalawigan.
Hinihikayat pa rin ng opisyal ang lahat na mga Albayano na magpabakuna ng booster shot upang maiwasan na mahawaan ng sakit na COVID-19.