LTO Bicol, may apela sa mga hindi sumusunod sa mga batas-trapiko

Umaapela ngayon ang Land Transportation Office (LTO) Bicol sa lahat ng mahuhuli dahil sa paglabag sa batas-trapiko na dapat kilalanin at irespeto ang mga Law Enforcer ng nito.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Ayon sa tanggapan, huwag suhulan o iwasang alukin ng pera o anumang uri ng panunuhol para lamang malusutan ang pananagutan.

Dagdag pa nito, ang pag-aalok umano ng mga suhol sa mga alagad ng batas ay hindi wasto at magpapalala lamang ng mga bagay o maaaring humantong pa sa pagkakakulong mahuhuli mang nanunuhol.

Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu

Sinabi ng ahensya, walang tiwaling enforcer o opisyal kung walang mag-uudyok na maging tiwali.