Total ban ng mga firecrackers, mas napapanahon na raw – grupo

Naniniwala ng grupong BAN Toxics na napapanahon na para tuluyang hindi na tangkilin ng publiko ang mga fire crakers naukod sa may masamang epekto sa kalikasan ay nagdudulot din ng sakuna sa ilan.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Thony Dizon, BAN Toxics Campaigner, sinabi nito na suportado nila ang kampanyan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na pagbabawal ng paputok sa mga tahanan at iba pang lugar.

Read More:  Marcos warns LGU officials against corruption in ₱8.6-B disaster funds

Ngunit ayon kay Dizon, mas maganda aniya na bukod sa community viewing ng fireworks displays na ipinapanukala ng DILG ay tuluyan na itong alisin sa sistema tuwang pasko at bagong taon.

Read More:  ICC seeks additional protection for 55 witnesses in Duterte trial

Kung maalala, sa Executive Order 28 na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ipinagbabawal na ang paputok sa kabahayan o sa ibang lugar sa buong bansa habang ang pinapayagan ang fireworks display ng komunidad na pinangangasiwaan ng mga lisensyadong indibidwal.