Mga biyahero sa mga pantalan, aabot ng higit 5 milyon ngayong Kapaskuhan

Tuloy-tuloy hanggang January 5 ang pagmo-monitor ng Philippine Ports Authority (PPA) sa mga kaganapan sa pantalan, sa gitna ng holiday season.

Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, inaasahan nilang papalo sa 5.2 milyong mga pasahero ang dadagsa sa mga ports ngayong Christmas break.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Mas malaki ito kumpara sa 4.7 milyon noong nagdaang taon.

Ibinahagi pa nito na marami pa ring mga Pilipino ang sumasakay ng barko.

Noong Barangay at Sangguniang Kabataan Elections nga raw – umabot sa 1.7 milyon ang mga bumiyahe sa barko – higit na mas mataas sa inasahang 1.4 milyong bilang nga mga sasakay ng barko.

Read More:  Construction begins on rental housing for families affected by NSCR Extension Project

Mababatid na sinimulang pag-igtingin ng Philippine Ports Authority ang kanilang pagbabantay noong December 16.