Nagpaalala si Pangulong Bongbong Marcos sa mga ahensya ng gobyerno hinggil sa masamang epekto ng underspending at overspending ng pondo na dulot ng red tape.
Sa talumpati ng Pangulo sa paglagda nito sa mahigit 5.7 trillion na national budget kahapon, sinabi nitong ang pagka antala sa implementasyon ng mga proyekto at ang illegal deviations ng budget ay nagdudulot ng parehong pinsala, na nagreresulta sa pagkait ng progreso at pag unlad na nararapat para sa taumbayan.
Inihayag din ni Marcos, na mahalagang alalahanin at isaisip ng mga nag tatrabaho sa gobyerno na sila ay naglilingkod para sa bayan at bansa, at hindi lamang para sa kanilang sarili.
Paalala pa ng Punong Ehekutibo, bigyang halaga ang mga taxpayer na dahilan kung bakit posible ang budget ng bansa.