Naabsuwelto na si Tony Labrusca sa kanyang long-pending acts of lasciviousness case na inihain noong nakaraang taon sa Makati.
Kaugnay nito, pinuri ni Atty. Joji Alonso, counsel ni Labrusca ang expeditious resolution ng kaso sa justice system.
Ayon kay Alonso, kinatigan ng korte ang findings na walang probable cause sa reklamo ng act of lasciviousness.
Una nang ibinasura ni Makati City prosecutor Dindo Venturanza ang reklamo laban kay Labrusca noong December 22, 2021 dahil sa kakulangan ng probable cause, na naging dahilan sa withdrawal ng impormasyon bilang criminal case 21-03981-CR ngayong linggo.

Matatandaan na nag-ugat ang kaso mula sa dalawang criminal complaints na inihain noong June 2021 laban sa aktor, dahil sa umano’y pangmomolestiya sa isang babae at pananakit sa isang pang complainant sa party sa Metro Manila noong January 2021.