Kaso vs Kit Thompson, inihahanda na re: Pambubugbog, pagdetine sa gf

Inihahanda na na ang pormal na paghahain ng kaso laban aktor na si Kit Thompson matapos niyang bugbugin at iditine umano ang kanyang kasintahan na si Ana Jalandoni sa isang hotel sa Tagaytay City.

Una nito, nagpasaklolo ang biktima sa isang kaibigan at PNP sa pamamagitan ng social media, kung saan makikita sa kaniyang mensahe na nagmamakaawa siya dahil nasa peligro umano ang kaniyang buhay.

Read More:  Donny Pangilinan admits feeling awkward over Baby Doll Juby’s remark on Gandang Gabi Vice

Agad namang rumesponde ang pulisya at mabilis na nasagip ang babae, at itinakbo sa ospital.

Read More:  Ate Gay remains in critical condition following septic shock, stroke

Nagbahagi naman ng mga larawan si Jalandoni ng kanyang mukha, habang nasa ospital kung saan makikita ang lalaking pasa.

Ayon sa Tagaytay Policem Huwebes ng alas 6 ng gabi nang mag-check in ang dalawa, kung saan nagkainuman pa nga ang dalawa.