Toni, hindi na bumabase sa profit pagdating sa pagtanggap ng projects

Ibinahagi ng TV host at actress na si Toni Gonzaga sa isang panayam na kasama si Wil Dasovich na hindi na niya ibinabase sa profit ang mga desisyon niya sa pagtanggap ng anuman proyekto.

Sinabi ni Gonzaga na ang kailangan niyang proyekto ay ang magpapasaya at magpapa-excite sa kaniya sa tuwing papasok siya sa trabaho.

Ipinunto ni Toni na malaki na ang kinita niya sa showbiz na dahilan para masuportahan niya ang kaniyang pamilya, makapagpatayo ng bahay, at makapag-travel sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.

Ayon kay Toni, narating niya na ang punto ng kaniyang buhay kung saan ay hindi na siya gumagawa ng desisyon na base sa laki ng kaniyang kikitain.

Iginiit ni Gonzaga, “It’s about what I want to do and what feeds my soul because I’m done feeding my ego…”

Ipinunto ng aktres na ang ego para sa kaniya ay ang bagay na bitbit nito para ipakita sa mga tao ang gusto niyang isipin ng mga ito tungkol sa kaniya.

Anya, hindi ito nakakatulong dahil hindi na ito ang totoong siya.