Nangangamba ang ilang medical experts na bagamat bumababa na ang Coronavirus surge sa India, posibleng maranasan din ng ibang Asian countries ang pagtaas ng infections.
Ayon sa report, malaking factor ng pagtaas ng kaso sa Indonesia ang Delta variant kung saan nararanasan din ngayon sa nasabing bansa ang krisis sa oxygen supplies.

Kaugnay nito ay nagpatupad ng lockdown ang India sa ilang parte ng kanilang bansa na mananatili hanggang July 20 dahil sa mabilis na pagtaas ng infections
Bagamat bahagyang bumilis na ang vaccination, hindi pa umaabot sa 5% ng populasyon ng Indoneria ang fully vaccinated
Mabagal din umano ang vaccinate rates sa rehiyon sa kabila ng mga pangamba ng pagkalat ng Delta variant.
Una nang nagbabala ang World Health Organization ng paglaganap at pagiging mas transmissible ng Delta variant na nagsimula sa India.
Naitala din ang surge ng infections noong Mayo sa mga kalapit na bansa ng India gaya ng Nepal, Pakistan at Sri Lanka.