Kilala niyo pa ba ang asong si Bobi?
Ang asong tinaguriang “oldest dog in the world” nito lamang buwan ng Pebrero na naitala sa kasaysayan ng Guinness Book World of Records kung saan, nanirahan sa isang village sa Conqueiros sa Portugal ay namayapa na nito lamang nakaraang sabado.
Isang malungkot na pangyayari na maging ang mga official ng Guinness World Organization ay nalungkot sa balitang ito.
Pumanaw si Bobi sa edad na 31-taong gulang at 165 days.
Sa kabila nang kabuohang 11, 478 araw at tagal ng pananatili niyang ito sa mundo na hindi gaano pangkaraniwan sa isang aso, mistulang hindi pa rin umano ito sapat para sa mga taong nagmamahal kay Bobi.###WENCY LISAY