2 insidente ng shoplifting sa Camarines Sur , huli sa CCTV

CAMARINES SUR- Huli sa CCTV ang dalawang insidente ng shoplifting sa Camarines Sur.

Sa GRS  Ragay , ipinaabot sa Brigada News FM Naga ng may ari ng botika/ tindahan ang pangyayari kung saan kinuha ng dalawang babae ang mga pack ng gatas habang nakaalalay sa kanila ang isa pa.  Pasimpleng ipinasok sa palda.

Read More:  20 Chinese nationals arrested in Davao de Oro over illegal mining, immigration violations

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PMAJ. Bernardo Peñero, wala pang sumbong na nakakarating sa kanilang himpilan pero paiimbestigahan upang makilala at mahuli ang salarin.

Sa Baao naman, na CCTV ang paglalagay sa bag ng hindi bayad na gatas. Kaagad na nagreport sa pulisya ang may-ari ng grocery at naaresto ng PNP ang suspek.

Read More:  Five treasure hunters trapped in Panabo tunnel; three still missing

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni PCPT Jose Ablan II, narekober nila ang mga kinuha , iiimbestigahan  nila kung may isang organisadong grupo ng mga shoplifter.

Pinag-iingat ng pulisya ang lahat lalo pa ngayong halos sunod-sunod ang paparating na mga okasyon.