‘Thanks giving dinner’ idinaos sa Malakanyang para sa mga gabinete ni Pangulong Duterte

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ang 54th cabinet meeting na isinagawa sa Aguinaldo State Dining Room in Malacañan Palace.

Kabilang sa mga pinag-usapan sa naturang pulong ay ang iba’t-ibang proyekto at programa sa ilalim ng Economic Development Cluster (EDC) at Climate Change Adaptation, Mitigation, and Disaster Risk Reduction Cluster o (CCAM-DRRC).

Read More:  PPA prepares for expected surge in travelers during five-day ASEAN Summit holiday

Maliban dito tinalakay din ang mga programa sa usapin ng Human Development and Poverty Reduction Cluster (HDPRC); Participatory Governance Cluster (PGC); Security, Justice, and Peace Cluster (SJPC); at Infrastructure Cluster (IC).

Kinumpirma naman ni PCOO Sec. at Acting Presidential Spokesman Martin Andanar na nagkaroon ng ‘Thanks Giving Dinner’ pagkatapos ng cabinet meeting

Read More:  MMDA to implement road closures, traffic rerouting near PICC ahead of ASEAN Summit

Matapos ang pulong idinaos naman ang isang ‘thanks giving dinner’ bilang pasasalamat sa kanyang mga gabinete.

Sa isang video post ni CHED chairman Prospero ‘Popoy’ de Vera makikita si Pangulong Duterte na bumibirit ng kanyang paboritong kantang ‘Ikaw’ habang tumutogtog ang isang orchestra.