Kinumpirma ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go na magbibigay ng karagdagang cash incentives si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga atletang nakasungkit ng medalya sa ginanap na 31st Southeast Asian Games.
Paliwanag ni Go na hiwalay pa ito sa cash reward na binabanggit sa batas alinsunod sa National Athletes and Coaches Incentives and Benefits Act.
Ayon kay Go ang pagbibigay ng additional incentives ay upang makatulong sa mga atleta na mas lalo pang magsumikap at matulungan din ang kanilang pamilya.
Nangako naman si Go na Chairman ng Senate Committee on Sports na mas paiigtingin pa ang mga programa para masuportahan ang atletang Pilipino at mapalakas ang sports development programs sa bansa.
Una nang ininunsiyo ni POC president Abraham “Bambol’’ Tolentino na nakatakdang mag-courtesy call ngayong hapon kay Pangulong Duterte sa Malakanyang ang mga atletang medalists sa SEA Games.
#