Texas shooting death toll – sumipa na sa 21

Umakyat na sa 21 ang kumpirmadong bilang ng mga nasasawi sa pamamaril ng isang teenager sa elementary school sa Uvalde, Texas.

Sa pinaka-huling ulat ng mga otoridad, 18 sa mga napatay ay kabataan; habang tatlo ang mga adults.

Natukoy na rin Governor Greg Abbot ang suspek na isang 18-anyos na estudyante ng Uvalde High School.

Sa inisyal na imbestigasyon, napag-alamang binaril din ng suspek ang sarili nitong lola bago pumasok sa paaralan.

Ipinag-utos naman na ni US President Joe Biden ang paglalagay sa half-mast ng mga watawat nito bilang pagluluksa sa pangyayari.

Mababatid na ito naganap ang pamamaril sa Texas sa gitna ng serye ng mga mass shooting sa Amerika – kabilang na rito ang pamamaril sa Bufallo New York na ikinasawi ng 10 tao.
#