Online blogger na si Atty. Trixie Angeles, itinalagang susunod na PCOO secretary

Pormal nang tinanggap ng online blogger na si Atty Trixie Cruz-Angeles ang alok ni presumptive president Bongbong Marcos na maging susunod na press secretary.

Sa isang pahayag, sinabi ni Atty. Vic Rodriguez na ilan sa magiging trabaho ni Angeles bilang press secretary ay ang mga tungkulin ng kasalukuyang Presidential Communications Operations Office secretary.

Read More:  Authorities seize ₱99.4 million worth of ketamine in two shipments from Switzerland and Amsterdam

Kabilang na rito ang pagharap sa media at Malacañang Press Corps at pagsasagawa ng mga press briefings.

Nagpasalamat naman si Angeles sa pagkakataon na maging bahagi ng Gabinete ni Marcos.

Read More:  SC upholds five-year term for barangay and SK officials

Matatandaang si Angeles ay nagsilbi rin bilang social media consultant kasama ni Asec. Mocha Uson.

Matapos ang suspension ng Korte Suprema na ipinataw noon kay Angeles sa loob ng tatlong taon, naging abala ito sa kanyang radio show, at blog na ‘Luminous by Trixie Cruz-Angeles’.
#