Department of Finance, umapela sa susunod na administrasyon na tanggalin ang VAT exemptions

Nanawagan ang Department of Finance sa susunod na administrasyon na tanggalin na ang mga umiiral na exemptions sa ipinapataw na value added tax.

Ayon sa DOF, maaaring maka-generate ang gobyerno ng aabot sa P142.5Billion kada taon sa oras na tanggalion na ang VAT exemptions.

Posible umanong gamitin ito para mabayaran ang mga utang ng Pilipinas.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Matatandaang nitong unang linggo ng Mayo, iniulat ng Bureau of Treasury na aabot na sa tumataginting na P12.68Trillion ang pambansang utang ng Pilipinas.

4.8% ito na mas mataas mula sa national debt noong Pebrero na P12.09Trillion.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Samantala, isinusulong din ng DOF ang pagpapaliban sa tapyas sa personal income taxes.

Maaari umanong sa susunod na taon na bawasan ang binabayarang buwis mula sa sahod hanggang sa 2025.

Sa ganitong paraan anila ay makaiipon ang gobyerno ng P97.5Billion kada taon.
#