Nagbabala ang Technical Education and Skills Development Authority o (TESDA) sa mga training centers na gagamit ng kanilang logo.
Sa panayam ng Brigada NewsFM kay TESDA Deputy Director General John Bertiz – sinabi niyang posibleng maharap sa closure, o ipasasara ang mga training centers na hindi otorisadong gumamit ng kanilang logo, pati na rin sa mga pag-iisyu ng mga pekeng national certificates.

Dagdag pa ni Bertiz – sa tumataas na employment opportunity ay dumarami rin ang mga skilled worker na nangangailangan ng certification from TESDA.
‘Yun nga lang, ang iilan ay nabibiktima ng mga nagbebenta ng pekeng national certifications.
Sabi ng TESDA official, hindi basta-basta napepeke ang certificates dahil mayroon itong special features.
Sa ngayon, nakikipag-coordinate na sila sa PNP Cyber Crime group para mahuli ang mga nagbebenta online ng pekeng National Certificates.