Ipagpapatuloy ng Philippine Coast Guard (PCG) ang page-expose ng mga asta ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Sa isang panayam, sinabi ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea Cmdre Jay Tarriela na hindi nila ihihinto ang pagsisiwalat o paglalantad sa international community ng sunud-sunod na mga pinaggagagawa ng China sa ating mga barko sa loob mismo ng Philippine exvlusive economic zone.
Sabi ni Tarriela, ang paglalantad sa kanila, kasama na rin ang pagde-deploy nila ng mga vessels sa area ay ang paraan para maitaboy ang China.
Paliwanag ng PCG official, mas napadadali ang pagpapalayos sa Chinese vessels sa t’wing nalalantad na ang mga ito sa international community.
Kung maaalala, matapos ang serye ng swarming at dangerous manouvers ng China – iba’t ibang bansa na ang nagpahayag ng pagkundena at umapela sa naturang bansa na sumunod sa international maritime laws.