Terminal expansion project sa mga pantalan sa Bicol, isusunod na ni PBBM

LEGAZPI CITY – Isusunod na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang Terminal Expansion Project sa Bicol Region upang mapabilis ang pagdadala ng mga produkto at pagkain sa iba pang lugar at sa merkado publiko.

Ayon kay Marcos, bumubuo na ng plano at nakikipag-ugnayan na rin ito sa mga concerned agencies para maisakatuparan ang proyekto sa mga pantalan ng Albay, Masbate, Catanduanes at Sorsogon.

Aniya, bilang suporta sa patuloy na pag-unlad sa rehiyon ay binibilisan na ang pagbabalangkas ng ilang proyekto sa ilang lugar sa Albay na kinabibilangan ng Malinao, Tabaco, Tiwi at Bacacay na planong ayusin o dagdagan pa umano ang pantalan.

Naniniwala ang Pangulo, sa mga itatayong proyekto sa Bicol na isa ito sa magiging susi para sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *