Tensyon sa China re: WPS?, nasa isip lang ng mga kritiko – Palasyo

Nilinaw ng Malacañang na walang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China kaugnay sa isyu ng West Philippine Sea, sa kabila ng incursions at protesta.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, ang tensyon ay nasa isip lang ng mga kritiko ng administrasyon, partikular na umano sa oposisyon.

Read More:  Tulfo brothers rule out 2028 presidential run

Una nang nabatikos si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kanyang pahayag na tila nagmamaliit sa legal claims ng Pilipinas sa West Philippine Sea, lalo na sa 2016 victory sa UN-backed Permanent Court on Arbitration.

Sa katunayan, nagkasa si retired Supreme Court justice Antonio Carpio ng signature drive na nananawagan kay Duterte na bawiin ang kanyang pahayag.

Read More:  Lacson hopes to become Marcoleta’s “BFF” again

Pero nakahanap naman ng kakampi si Duterte mula kay dating Senate President Juan Ponce Enrile, na nagsabing lalo lang lalaki ang mawawala sa Pilipinas, kung patuloy na kakalabanin ang China. // MHEL PACIA