Binigyang diin ng Palasyo na ang COVID-19 vaccines sa Pilipinas, ay hindi ibenebenta.
Ginawa ni presidential spokesperson Harry Roque ang paglilinaw, matapos ianunsyo ni Philippine Red Cross (PRC) chairperson Senator Richard Gordon na magcha-charge ang PRC ng P3,500 para sa dalawang doses ng Moderna vaccine.
Pero paglilinaw ng PRC, hindi nila ibenebenta ang bakuna sa kanilang mga miyembro at donors, sa halip ang P3,500 payment ay para sa syringes, personal protective equipment, pagkain at iba pang gastusin na may kaugnayan sa vaccination.
Sinabi naman ni Roque na ang mga COVID-19 vaccines na binili ng private sector sa ilalim ng tripartite agreement sa national government, ay gagamitin ng mga private firms para sa kanilang mga tao.
Giit ng kalihim, walang dapat magbenta ng bakuna, dahil wala pang general use authority ang kahit anong brand nito, na siyang isinasaad sa ilalim ng emergency use authorization. // MHEL PACIA