TDC: Teacher na nanampal sa isang estudyante na kalaunang nasawi, huwag daw agad husgahan ng publiko

Nanawagan ang Teacher’s Dignity Coalition o TDC sa publiko na huwag agad husgahan at maging mahinahon sa guro na nanampal sa isang estudyante na kalaunang nasawi.

Ayon sa TDC, dapat makuha muna ang panig ng teacher upang maging patas ang presentasyon sa usapin.

Sa ngayon, sinabi ng grupo na igalang muna ang due process ng batas kaugnay sa nangyaring insidente.

Samantala, partikular ang Department of Education (DepEd) a protection policy ng mga mag-aaral kaya’t posibleng maharap ang teacher sa administratibong kaso kung matutukoy sa scientific investigation na maysala ang guro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *