Presyo ng bigas, patuloy na imo-monitor ng DA kahit pa inalis na ang EO39

Tiniyak ng Department of Agriculture na patuloy nilang imo-monitor ang presyo ng bigas sa merkado, kahit pa inalis na ni Pangulong Bongbong Marcos ang umiiral na Executive Order no.39.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DA-Bureau of Plant Industry Director Glenn Panganiban hindi pa nila masabi sa ngayon kung ano ang magiging epekto ng pag alis sa EO39 sa presyo ng bigas ngayon sa merkado.

Pero babantayan daw nila kung may biglaang pagsirit muli sa presyo nito, katuwang ang Department of Trade and Industry at Department of Interior and Local Government o DILG.

Dagdag pa ng opisyal, walang dahilan para tumaas ang presyo ng bigas lalo pa’t mataas na ang lokal na produksiyon na sasabayan pa ng importasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *