Binatikos ni Taylor Swift si Damon Albarn, ang lead singer ng Blur and Gorillaz, matapos sabihin ng British musician sa Los Angeles Times, hindi umano nagulat ng kanyang sariling kanta ang award-winning American songwriter.
Sa kanyang Twitter post, binigyang diin ni Swift, na siya ang nagsulat sa lahat ng kanyang sariling kanta.
Giit pa nito, walang katotohanan at masyadong nakakasira ang akusasyon ni Albarn.
Sa gitna nito, agad rin tumugon ang iba pang collaborators ni Swift, gaya nina Aaron Dessner at Nathan Champman.

Samantala, matapos naman nito, agad na naglabas ng apology si Albarn, kung saan sinisi niya ang media at iginiit na ang Q&A conversation na inilathala ng LA Times ay binawasan sa pagiging “clickbait.”