Umalma si Kris Aquino sa bagong “fake news” na nagsasabing siya ay nasa malubhang sitwasyon sa Intensive Care Unit.
Sa kanyang Instagram post, nagbahagi ang celebrity host ng larawan mula sa kanyang kwarto, kung saan siya at anak na si Bimby ay virtual na nakiisa sa pamilya, sa misa para sa yumaong pinsan na si Maria.
Ayon kay Kris, hindi sila nakadalo ng personal, dahil hindi pa nako-kompleto ang kanilang 14-day quarantine, at ang kanilang RT PCR results ay sa January 26 pa mailalabas.

Kaugnay nito, itinanggi ni Kris ang mga kumakat na balita tungkol sa kanyang kalusugan.
Dagdag nito, tila excited ang mga “trolls” na nagpapakalat ng fake news, na makita siyang pumanaw, matapos ang kapatid na si dating Pangulong Benigno Aquino III.