SEA Games overall title defense, hamon para sa PH

Aminado si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino na hindi magiging madali ang depensa sa Southeast Asian Games overall championship para sa Pilipinas, dahil sa mga hamon na kinahaharap ng national athletes sa gitna ng pandemya.

Giit ni Tolentino, kailangan pagdaanan ng mga atleta, maging ng mga coaches ang ilang setbacks, gaya ng kakulangan ng training facilities, dhail ilan sa mga ito ay ginamit ng gobyerno bilang quarantine spaces, at naidagdag pa ang kakulangan ng pondo.

Ayon sa opisyal, ang naturang mga isyu ay makakaapekto sa overall title na nakompleto ng Pilipinas, nang maghost ito noong 2019 edition.

Samantala, sinabi naman nito na hindi opsyon ngayon ang overseas training, dahil patuloy na nakakaranas ang bansa ng pagtaas sa mga kaso ng COVID-19, bagama’t napatunayang epektibo ito sa mga nakaraang kampanya ng bansa.

Sa kabila nito, malaki ang paniniwala ni Tolentino na ang pagpupursige ng mga atleta sa biennial meet, ay magbibigay parin sa bansa ng magandang standing.