CAMARINES NORTE – Aminado ang Municipal Agriculture Office (MAO) sa bayan ng Basud, Camarines Norte na apektado ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ang ilang mga aktibidad sa nagpapatuloy na Rahugan Festival.
Isa na dito ang Agri- tourism fair na ayon kay Municipal Agriculturist Harry James Felomino na sa 29 na barangay ay 23 lang ang nakilahok sa aktibidad dahil hindi na rin maasikaso ng mga Barangay Official na karamihan lalo na ang mga Punong Barangay ay re- electionists.
Binuksan ang Agri- tourism fair noong Miyerkules na tatagal hanggang ngayong araw.
Ayon kay Felomino malaking tulong ang aktibidad para maibenta at maipakilala ng mga barangay ang kanilang mga ipinagmamalaking produkto na mas mura kaysa sa palengke.
Ang kikitain sa trade fair ay direktang mapupunta sa mga magsasaka.
Magbibigay din ng awards ang LGU sa mga pinakamahuhusay na gumawa ng booth at pinakamagagaling na magtinda.
Tampok sa Agri- tourism fair ang mga ipinagmamalaking produkto ng iba’t- ibang barangay.
