LGU Basud kumpiyansang masusungkit ang prestihiyosong SGLG award sa national level

CAMARINES NORTE – Kumpiyansa ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Basud, Camarines Norte na masusungkit nito ang prestihiyosong 2023 Seal of Good Local Governance (SGLG) Award makaraang makuha ang 10 out of 10 na governance area sa Regional Level.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Mayor Adrian Davoco sinabi nito malaki ang tyansa ng Basud na masungkit ang award lalo’t sa pinakahuling validation ay wala namang naging komento ang team of validators mula sa national level.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Kabilang sa criteria para ma- qualify sa SGLG award ay ang good financial housekeeping, environmental management, health, Disaster Risk Reduction, social protection at iba pa.

Inaasahang  lalabas ang resulta ng natiomal validation sa Nobyembre.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Ayon kay Davoco kapag nasungkit ng LGU ang SGLG awards ay maaari na itong mag request ng Performance Based Bonus para sa mga empleado.

Nagpasalamat din ang Alkalde sa mga head of office at sa lahat ng LGU employees dahil kung hindi umano sa kanilang matiyagang pagtatrabaho ay hindi maaabot ang mga criteria na tinatakda ng SGLG.