SORSOGON CITY – Nais muling ibalik ng Sangguniang Panlungsod ng Sorsogon ang tatlong sakay sa mga pampasaherong tricycle.
Sa panayam ng Brigada News kay Committee on Transportation Chairman Eric Ravanilla, sinabi nito na tinalakay na ng konseho nitong buwan ang pagpayag sa dagdag ng pasahero ng mga tricycle upang matugunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay Ravanilla, hinihintay na lamang ng komitiba ang sagot ng Inter-Agency Task Force sa kanilang apela at sa oras na aprubahan ito ay agad na iimplementa sa syudad.
Naniniwala naman ang opisyal na makatutulong ang pagbabalik ng tatlong sakay upang hindi na magdulot ng dagdag pamasahe sa mga commuters ang pagtaas ng presyo ng gasolina.
Matatandaan na nitong Oktubre 26 nang muling nagtaas ng presyo ng produktong langis. Ito na rin ang pang-siyam na beses na nagtaas ang mga presyo ng langis sa bansa.

