Kerala, INDIA—Totoo nga siguro ang kasabihan na “Love conquers all.” Ang mga bituin ay susungkutin, ang dagat ay lalanguyin at ang baha ay tatawirin.. hindi sakay ng bangka, kundi sakay ng kaldero.
Iyan ang kinahinatnan ng kakaibang kasalan na naganap sa Kerala, India.
Dahil kase sa malawakang pagbaha sa naturang lugar sa mismong araw ng kasal ng hindi na pinangalanang bride at groom, kinailangan ng mga itong humiram ng isang malaking kaldero sa kalapit na templo upang doon sumakay papunta sa venue ng kanilang kasal.
Ayon sa bride, hindi niya lubos maisip na ganoon ang kahihinatnan ng kanilang kasal, akala aniya nila hindi na matutuloy ang kanilang pag-iisang dibdib ngunit dahil pursigido silang maikasal, ay tinawid nilang magkasintahan ang baha sakay ng kaldero.
Sakabila nito, natuloy ang pag-iisang dibdib ng magkasintahan at mananatili sakanilang isipan ang kakaibang karanasan ng kanilang pagpapakasal.### JUMEL DELA ROSA