SORSOGON CITY – Tatlong ‘mahilig sa manok na pula’ ang inaresto ng pulisya nang mahuli sa aktong nagtutupada sa Sitio Kacho Alaw, Brgy Tugas sa bayan ng Matnog, Sorsogon.
Nakilala ang mga suspek na sina Benjamin Naz Mancera, 60-anyos, may asawa; Raul Diaz Garais, 46-anyos, binata at Romeo Balaguer Buenaobra, 40-anyos, binata, lahat mga magsasaka at pawang mga nakatira sa nabanggit na barangay.
Batay sa ulat, nagsagawa ng pagsalakay ang mga awtoridad, hapon noong Linggo sa nasabing lugar, sa pangunguna ni Deputy Chief PLt Jose Destacamento ng Matnog Police at ng 2nd Provl Mobile Force Company at nadakip ang mga suspek habang ang ibang sabungero ay nakatakas.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 7 panabong na manok, kung saan ang dalawa dito ay patay na, isang tari at P920.00 na taya.
Mahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso na may kinalaman sa illegal gambling.
PHOTO exclusive for Brigada News FM-Sorsogon
