Kabilang ang tatlong pribadong paaralan sa Central Luzon na magsasagawa ng pilot implementation ng face-to-face classes.
Sa inilabas na listahan ng Department of Education, dalawa dito ay mula sa Pampanga habang isa naman ay sa Zambales.
Ang pagsisimula ng in-person classes sa mga private schools ay sa ika-22 ng Nobyembre.
Matatandaan nitong November 15 ay nauna nang nagsimula ang mga pampublikong paaralan ng kanilang klase matapos pumasa sa panuntunan ng kagawaran at ng Department of Health.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
