LEGAZPI CITY – Nagkukulay tsokalate sa ngayon ang nakukuhang tubig mula sa gripo na pangunahing pangangailangan ng mga residente sa Barangay Buenavista sa lungsod sa legazpi. Ayon kay Esther Ardales Barangay Kapitan ng nasabing barangay, 90% na mga residente ang apketado dahil sa maruming tubig ang kanilang nakukuha.
Kabilang sa mga purok ang namomoproblema sa maruming tubig ang purok 1, 2, 3, 4, 6 at 7 habang ang purok 5 ay malinis pa ang kanilang nakukuhang tubig dahil sa may sariling source of water ang mga residente.
Maging ang karagatan ng nabanggit na Barangay ay nagmistulang umano kulay tsokalate. Isa sa mga itinuturong dahilan kung bakit marumi ang kanilang tubig ay tungkol sa proyekto ng road opening ,concreting ng Barangay Buenavista patungo sa Me Pangi Sorsogon. Ayon pa kay kapitan napag alaman umano nito ang itinuturong gumagawa ng nasabing proyekto ay ang DPWH 2nd Engineering District ng Albay na kung saan ang Construction Supplier umano nito ay ang Sunwest Construction and Development Corporation.
Sinabi ng opisyal, inireklamo na nila ito ang kanilang hinain o problema sa tubig sa nasabing tanggapan na kung saan agad sila nagpadala ng tao upang ayusin subalit wala rin naman nagbago na kung saan patuloy pa rin naman ang binubuhos sa gripo na maruming tubig.
Sa ngayon ay naghihintay parin ang Brigada News Fm Legazpi na makuha ang kapaliwanagan ng DPWH 2nd Engineering District Office.