Plastic barrier sa PUV’s hindi pa tinatanggal sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Hindi pa tinatanggal ng mga driver at operator sa Camarines Norte ang plastic barriers sa loob ng mga public utility vehicle (PUV) bilang dibisyon ng mga pasahero.

Ito’y kahit una nang inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na hindi na nire-require ang paglalagay ng plastic barriers dahil wala namang medical findings na nagsasaad na epektibo ito para maiwasan ang hawaan ng virus sa mga pasahero.

Ayon kay Henry Reposente, driver ng multicab na may rutang Daet- San Felipe, Basud, wala pang sinasabi ang Presidente ng kanilang samahan na pwede nang tanggalin ang plastic barriers.

Sa katunayan dagdag na protection pa nga raw ang mga plastic barriers hindi lang sa mga pasahero kundi sa kanilang mga driver dahil iba’t- ibang tao umano ang kanilang nakakasalamuha.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

“Protection po din sa amin lalo ang mga driver at saka sa pasahero kasi yung driver iba- iba ang nakakasalamuha yun eh, pabor din po sa mga driver na meron pa ring barrier yung sasakyan namin.”

Pagdating naman sa face shield ay pabor umano silang mga driver na huwag nang gawing mandatory ang paggamit nito.

Ang driver daw kasi ang sumasalo kapag mayroong nahuling pasahero na hindi nakasuot ng face shield.

“Napakaganda po yung aalisin yung face shield, unang una po yung ibang pasahero kung minsan may napapasahero kami na walang face shield, pag may nanghuli po, yun ang hinahanap sa amin ng mga nanghuhuli sa amin na yung faces shield.”

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Simula ngayong araw ay hindi na mandatory ang pagsusuot ng face shield sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3, 2 at 1.

Ang Camarines Norte ay kabilang sa mga lugar na nasa Alert Level 2 ayon sa IATF.

Ayon sa ilang pasahero ng mga pampublikong sasakyan, mas maginhawa na sa pakiramdam na hindi na required ang paggamit ng face shield.

Bukod sa hindi ito komportableng gamitin ay dagdag gastos lang umano ito.