Tatlong Miyembro ng PAGS sumuko sa mga otoridad

IPINRISENTA kahapon ni Shariff Aguak Mayor Engr. Marop Ampatuan ang tatlong myembro ng Private Armed  Group  kay PRO BAR Regional Director  PBGen. Eden Ugale.

Ayon kay Mayor Ampatuan, ang mga nasabing indibidwal ay kabilang sa Ampatuan Group  na hawak ni Former Vice Mayor Datu Akmad Ampatuan.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Nabatid na siya mismo ang nag-inisyatibo na sumuko sa mga otoridad  kasama ang tatlong iba pa upang ma-clear  ang kanilang  mga pangalan sa listahan at makapagdala na rin ng kapayapaan sa kanilang  bayan.

Sinabi ni PRO-BAR Regional Director PBGEN EDEN T UGALE na ang naturang mga PAGS member na nakilalang sina Abby Aguak, Pendatun Ampatuan  at Gani Macmod ay kabilang sa DI-Listed Active PAG as of march 15 2021.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Bitbit ng mga ito sa kanilang pagsuko kahapon ang tatlong M16 rifles at isang M14 rifles na ngayon ay nasa kostudiya na ng Bangsamoro Police.