Lasing na lalake sinunog ang bahay ng hindi madatnan si Misis

CAMARINES NORTE- Sinunog ng isang lalake ang tinitirhan nitong bahay pasado alas 10 linggo ng gabi sa Purok 2, Barangay Bactas, Basud, Camarines Norte.

Ayon sa pulisya umuwing nakainom ang suspek na nakilalang si Lawrence Rivera y Sta Rosa 18, sa bahay na pagmamay ari ng kaniyang ina kung saan din ito nakatira at ang kaniyang pamilya.

Nagalit umano si Rivera ng hindi madatnan sa bahay ang kaniyang kinakasama at anak na babae na siyang nagbunsod dito para sunugin ang bahay gamit ang lighter.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Matapos ang pangyayari ay agad umanong tumakas ang suspek.

Agad namang rumisponde ang mga tauhan ng Basud MPS at Bureau of Fire Protection para sa pag apula ng apoy.

Dakong alas 12: 45 na ng umaga ng Lunes nang tuluyang maapula ang apoy.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Tinatayang umaabot sa P150,000.00 ang halaga ng pinsala dahil sa panununog.

Agad ding nagsagawa ng follow- up investigation ang mga pulis para sa posibleng pagkakahuli sa suspek.