Tatay, sumugod sa isang bar matapos umanong insultohin ang anak na transgender sa Lucena City

Sugatan ang isang lalaki matapos itong hampasin ng tubo ng isang galit na tatay na sumugod sa bar sa Lucena City nitong Sabado, Mayo 18.

Sa isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad, galit umanong sumugod ang suspek sa bar at kinompronta ang isa sa kaibigan ng biktima na umano’y nang-insulto sa kanyang anak na transgender sa loob ng comfort room.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Nauwi sa pagtatalo ang nasabing komprontrasyon kung saan hinampas na ng suspek ang biktima sa ulo gamit ang tubo.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Samantala, dinala sa hospital ang biktima upang magamot habang ang suspek naman ay tumakas.

Misunderstanding ang tinitingnang motibo sa insidente.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang operasyon ng awtoridad upang madakip ang suspek.