Pagkakaroon ng mas maraming workload para sa early retirement, sinang-ayunan ng ilang Gen Z sa Naga City

NAGA CITY- Sinang-ayunan ng ilang Gen Z sa Naga City o ang mga pinanganak mula 1997 hanggang 2015 ang pagkakaroon ng mas maraming trabaho nang sa gayon ay maaga silang makapagretire dahil sa paniniwalang maaga nilang makukuha ang financial stability para sa sarili’t pamilya.

Sa pagtatanong ng Brigada News FM Naga sa mga Gen Z sa lungsod, isa si Cedrick Azaña na SK Chairman ang naniniwala sa ideyang ito. Para ki Azaña, karamihan sa mga Gen Z ngayon, maaga nang namumulat sa realidad ng buhay at sa murang edad, nagiging breadwinner na ng pamilya kung kaya napipilitan na magsakripisyo at magdoble kayod. Maliban sa pagsisilbi sa mga kabataan bilang SK Chairman, pinagsusumikapan din ngayon ni Azaña ang makapagtapos ng pag-aaral.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon
Read More:  Mayon gas emissions reach 26-year high, raising risk of explosive activity

Mensahe niya sa mga kapwa Gen Z lalo na ang mga katulad niyang pinag-sasabay ang pag-aaral at pagtatrabaho, patuloy na magsumikap, huwag susuko at panghinaan ng loob.