10,000 jobs, target mabuksan sa Tupi IT Park

KORONADAL CITY – IPINROKLAMA na ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr bilang Special Economic Zone ang Tupi Information Technology o IT Park sa Tupi, South Cotabato.

Ito ay sa pamamagitan ng Proclamation No.530 na ipinalabas ni Pangulong Marcos noong May 2. Inihayag ni Governor Reynaldo Tamayo Jr na handa na ang 1.5 hectares na lupa sa bayan ng Tupi na pagtatayuan ng mga high rise buildings para sa mga investors, IT companies at business process outsourcing o BPO companies.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Ayon sa gobernador, binubuo na ang development plan at structural plan upang masimulan na ang construction ngayong taon. Ang Tupi IT Park ang inaasahang makakapagbigay ng 10,000 jobs sa mga mamamayan.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Karamihan sa mga ito ay mga IT-related jobs katulad ng software developer, call centers at iba pa. Sa pamamagitan nito, hindi na kailangan pa ng mga taga South Cotabato na pumunta sa Davao, Cebu, o Metro Manila upang magtrabaho sa mga malalaking BPO companies.

Ito ay inaasahang makatutulong upang mapalakas pa ang ekonomiya ng lalawigan.